Pribado at ligtas na pagme-message
Sa buong mundo, ginagamit ng mga user ang Viber para magkaroon ng bukas at tunay na pakikipag-usap sa kanilang mga kaibigan, pamilya, kasamahan at kahit sinuman. Magaan at masaya ang ibang usapan. Ang ilan ay personal, intimate, at kumpidensiyal ngunit mayroon silang pagkakapareho. Pareho silang pribado na mga usapan. Ang misyon namin ay para protektahan ang privacy ninyo para hindi kayo kailangang magduda sa maise-share ninyo o hindi kapag gumagamit kayo ng Viber.
Hindi namin binabasa o pinapakinggan ang alinman sa iyong mga chat at tawag
Ang Viber ay walang access sa personal chats mo (one-on-one and group chats), pati na rin sa mga audio at video calls. Mayroong end-to-end encryption ang Viber by default, kaya hindi mo na kailangan i-enable pa ito sa settings ng app. Lahat ng private chats, group chats at calls mo ay safe. Ikaw lang at ang mga taong kausap mo ang may access sa mga ito.
Hindi namin maaari at hindi namin ibebenta ang iyong ibinabahagi
Kapag ang iyong mga chat ay protektado ng end-to-end encryption, walang sinuman ang makaka-access ng mga ito. Ang mas mahalaga rito ay walang access ang Viber sa mga ito — na nangangahulugang wala anuman sa iyong ibabahagi ang maaaring magamit ng Viber o ng mga 3rd party upang ma-target ka sa mga ad sa ibang pagkakataon. Ang ibang mga messaging apps ay hindi nag-aalok ng end-to-end encryption by default — dahil dito ay maaari nilang ma-access, mabasa at maibenta ang iyong mga pribadong pag-uusap sa iba para sa advertising na mga layunin.
Mahigit sa encryption
Hindi lamang ang iyong mga komunikasyon ang protektado ng end-to-end na pag-encrypt nang default, ngunit maging ang anuman na iyong ibabahagi ang mai-imbak sa mga server ng Viber. Ang mga mensahe na iyong ipinadala ay nakararating mula sa iyong device patungo sa iyong pinadadalhan bilang isang encrypted code. Kung ang phone ng iyong pinadalhan ay nakapatay o wala silang koneksyon sa internet — ang iyong mensahe ay pansamantalang mananatili sa mga server ng Viber sa loob ng limitadong oras — na nanatiling ligtas at encrypted — hanggang sa ang kanilang device nakahanda ng makatanggap.
100% privacy na maaari mong mapagkatiwalaan
Anim (6) na paraan upang tiyakin na ang iyong mensahe, mga chat at tawag ay ganap na pribado at pinagtitibay ka rin sa pamamagitang ng higit na privacy kapag gusto mo ito.
End-to-end na encryption bilang default
Ang mga mensahe na iyong ipinadala ay nakararating mula sa iyong device patungo sa iyong pinadadalhan bilang isang encrypted code na tanging ang kanilang device lamang ang may kakayahang magsalin sa plain text gamit ang isang encryption key. Ang mga encryption key ay umiiral lamang sa mga device ng gumagamit at wala na saanman. Kaya walang sinuman—pati ang Viber—ang makakabasa ng mga mensahe mo.
Mga Naglalahong Mensahe
Magtakda ng isang self-destruct time para sa bawat mensahe nang sa gayon ay matapos mabasa, ito ay awtomatikong matatanggal mula sa Viber chat — sa lahat na panig ng pag-uusap. Habang ito ay naka-ON, ang pagkilos upang i-screenshot ay mailalahad sa chat. Ang privay ay privacy 🙂
Baguhin at Tanggalin ang mga Mensahe para sa Lahat
Ang pagpapadala ng isang mensahe na may isang typo ay maaaring nakakainis, ngunit huwag ma-stress – i-long tap lamang ang mensahe at mabilis itong ayusin. Kung gusto mo pa rin, tanggalin ang ipinadala na mensahe sa lahat ng panig ng pag-uusap, kahit na nakita na ito. Nakokontol mo ang iyong ibinabahagi.
Hidden-Number Chats
Kapag nakatagpo ka ng mga bagong tao sa isang komunidad o nahanap sila sa pamamagitan ng paghahanap ng pangalan sa Viber – simulan ang isang mas ligtas na chat nang direkta, nang hindi na kailangang makipagpalitan o ilantad ang iyong numero o ang kanilang mga numero ng telepono.
Itago ang mga Chat
Nagpaplano ng isang sorpresang party at ayaw na hindi sinasadyang makita ng sinuman ang iyong pag-uusap? Itago ang mga chat sa iyong listahan ng chat at I-access ang mga ito kailan mo man kailangan sa pamamagitan ng isang PIN.
Manatili sa ilalim ng radar
Kontrolin kung kailan makikita ng iba ang iyong online na katayuan at katayuan sa paghahatid ng mga mensaheng pinadala nila sa iyo.
Matuto pa tungkol sa default na end-to-end na encryption ng Viber para sa mga tawag at mensahe sa aming site ng suporta.
Ang pang-seguridad na protokol ng Viber ay ginawa gamit ang parehong “double ratchet” na protokol na nahahanap sa Open Whisper Systems Signal application, pero hindi binabahagi ang kanilang source code. Ang buo naming pangseguridad na kabuuang pananaw ay makukuha dito.